Satya Nadella
CEO
Sa Microsoft, ang misyon namin ay tulungan ang bawat tao at bawat organisasyon sa mundo na mas maraming magawa. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mahusay na cloud, pagpapahusay ng productivity at mga proseso ng negosyo, at gayundin ang pagbuo ng mas personal na paggamit ng computer. Sa lahat ng ito, papanatilihin namin ang kahalagahan ng privacy at inyong kakayahang makontrol ang inyong data.
Nagsisimula ito sa pagtiyak na malalaman ninyo ang mga makabuluhang dahilan sa kung paano at bakit kinokolekta at ginagamit ang data, at sa pagtiyak na mayroon kayo ng impormasyong kailangan ninyo para gumawa ng mga desisyong angkop para sa inyo hinggil sa aming mga produkto at serbisyo.
Nagsusumikap kaming makuha ang inyong pagtitiwala araw-araw sa pamamagitan ng pagtuon sa anim na mahahalagang prinsipyo sa pagiging pribado:
Binubuo ng mga prinsipyong ito ang pundasyon ng paraan ng Microsoft sa pagiging pribado at patuloy nitong huhubugin ang paraan kung paano namin binubuo ang aming mga produkto at serbisyo. Para sa mga enterprise at pangnegosyong customer, tingnan ang Trust Center ng Microsoft para malaman kung paano namin pinoprotektahan ang inyong data sa Microsoft Cloud.
Sa iba pang bahagi ng website na ito, makakakita kayo ng mga link para sa higit pang impormasyon at kontrol para magawa ninyo ang mga desisyong tama para sa inyo. At patuloy kaming nagsusumikap na mas maging mahusay, kaya kung may mapapansin kayong anumang bagay sa aming mga produkto o serbisyo na salungat sa inaasahan ninyo pagdating sa pagiging pribado, mangyaring ipaalam ito sa amin.
Nangongolekta ng data ang Microsoft para makatulong sa iyong gumawa ng mas maraming bagay. Para magawa ito, ginagamit namin ang data na kinokolekta namin para maibigay at mapaganda ang aming mga produkto, serbisyo, at device, makapagbigay sa iyo ng mga naka-personalize na karanasan, at para makatulong na panatilihin kang ligtas. Narito ang ilan sa pinakakaraniwang kategorya ng data na kinokolekta namin.
Tulad ng maraming search engine, ginagamit namin ang inyong kasaysayan ng paghahanap, at ang kasaysayang naipon mula sa iba pang mga tao, para bigyan kayo ng mas magagandang resulta ng paghahanap. Para pabilisin ang pagba-browse sa web, maaaring mangolekta at gumamit ang mga Microsoft web browser ng kasaysayan ng pagba-browse para mahulaan kung saan ninyo gustong pumunta. Maaaring magbigay si Cortana ng mga naka-personalize na rekomendasyon batay sa iyong kasaysayan ng pagba-browse at paghahanap.
Maaari mong piliin kung kokolektahin ang iyong kasaysayan sa pag-browse sa pamamagitan ng setting ng Diagnostics at feedback sa iyong mga setting ng pagiging pribado sa Windows. Maaari mo ring pamahalaan kung may access si Cortana sa iyong kasaysayan sa paghahanap at pag-browse sa mga setting ni Cortana at ng Microsoft Edge.
Nakakatulong sa amin ang impormasyon ng lokasyon na magbigay sa inyo ng mga direksyon sa mga lugar na gusto ninyong puntahan at magpakita sa inyo ng impormasyong nauugnay sa lugar kung nasaan kayo. Para dito, ginagamit namin ang mga lokasyong ibinibigay ninyo o na na-detect namin gamit ang mga teknolohiya tulad ng GPS o mga IP address.
Nakakatulong din sa amin ang pag-detect ng lokasyon na protektahan kayo. Halimbawa, kung palagi kayong nagsa-sign in mula sa Tokyo, at pagkatapos ay bigla na lang kayong nag-sign in mula sa London, maaari namin itong suriin para tiyaking kayo nga talaga ito.
Maaari mong i-on o i-off ang mga serbisyo ng lokasyon para sa iyong device sa Mga Setting > Pagiging Pribado > Lokasyon. Mula rito, maaari mo ring pamahalaan kung aling mga app ang may access sa iyong lokasyon at pamahalaan ang kasaysayan ng lokasyon na nakaimbak sa iyong device.
Para matulungan kayong iwasan ang trapiko, tandaan ang mga anibersaryo, i-text ang tamang “Jennifer” sa inyong listahan ng mga contact, at makagawa pa ng mas maraming bagay, kailangang malaman ni Cortana kung saan kayo interesado, ano ang nasa inyong kalendaryo, at sino ang maaaring gusto ninyong makasama. Kapag ayaw ninyong gamitin ang keyboard, maaari naming gamitin ang inyong mga pattern ng pagsasalita at sulat-kamay para matulungan kayong i-translate kung ano ang sinasabi ninyo o magsulat ng mga dokumento at text message.
Pamahalaan ang iyong mga interes at iba pang data na alam ni Cortana sa iyong privacy dashboard
Ang ilan sa mga serbisyo ng Microsoft ay sinusuportahan ng advertising. Para magpakita ng mga ad na malamang na magugustuhan ninyo, gumagamit kami ng data tulad ng inyong lokasyon, mga paghahanap sa web sa Bing, mga web page ng Microsoft o advertiser na tinitingnan ninyo, mga demograpiko, at mga bagay na ginawa ninyong paborito. Hindi namin ginagamit kung anong sinasabi ninyo sa email, chat, mga video call o voice mail, o sa inyong mga dokumento, larawan o iba pang mga personal na file para mag-target ng mga ad sa inyo.
Para pahintuin ang Microsoft sa pagpapakita sa inyo ng mga ad batay sa inyong mga interes, gamitin ang aming mga kontrol sa advertising online. Makakakita ka pa rin ng mga ad, pero maaaring hindi maging ganoon kainteresante ang mga ito para sa inyo.
Ang pagsa-sign up para sa sarili ninyong account sa Microsoft ay nagbibigay-daan sa inyong gumamit ng mga online na serbisyo tulad ng storage at mga setting na pampamilya, at nakakatulong na panatilihing naka-sync ang inyong mga setting sa mga device. Kapag nagdagdag kayo ng data ng pagbabayad sa inyong account, madali na ang pagkuha ng mga app, subscription, pelikula, TV at laro sa inyong mga Windows 10 device.
Sa pamamagitan ng hindi pagbubunyag sa inyong password, at pagdaragdag ng karagdagang impormasyong panseguridad tulad ng isang numero ng telepono o email address, maaari kayong makatulong na panatilihing mas ligtas ang inyong mga file, credit card, kasaysayan ng pagba-browse, at impormasyon ng lokasyon.
Para mag-update ng mga password, impormasyong panseguridad, at mga opsyon sa pagbabayad, bisitahin ang website ng account sa Microsoft.
Dahil ang Windows 10 ay isang serbisyong pinapagana ng cloud, patuloy kaming natutulungan ng data na maprotektahan at mapaganda ang inyong karanasan. Halimbawa, para mapanatili kang ligtas online, awtomatiko naming sina-scan ang mga Windows 10 device para tingnan kung may kilalang malware ang mga ito. Nangongolekta rin kami ng data ng diagnostics, na tuloy-tuloy na impormasyong natatanggap namin tungkol sa kung paano gumagana ang iyong Windows 10 system, para mapanatiling gumagana nang maayos ang iyong device. Kaya kung alam naming may problema sa isang partikular na uri ng printer driver, maaari naming ipadala ang mga tamang driver sa mga taong gumagamit lang ng ganoong uri ng printer.
Nagbibigay din kami sa inyo ng ilang kontrol para sa kung paano ginagamit ang impormasyon nang sa gayon ay makapaghatid ng mga naka-personalize na serbisyo at karanasan sa Windows 10. Maaari mong isaayos ang iyong mga setting ng pagiging pribado sa Windows 10 para sa lahat mula sa pangunahing data ng diagnostics hanggang sa mga naka-personalize na serbisyo anumang oras sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga Setting > Pagiging Pribado > Diagnostics at feedback.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagiging pribado sa aming mga produkto, mangyaring tingnan ang pahina ng mga resource sa pagiging pribado.